Huwebes, Pebrero 19, 2015

Ang Pananaliksik


  • Ito ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
  • Ito ay  sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK 
  •  Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso. 
  •  Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta. 
  •  Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
  •  Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
  • Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang 
  •  Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
  •  Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.
URI NG PANANALIKSIK O RESIRTS 
  • lantay na pananaliksik=ito ay tinatawag na saligang pananaliksik na naglalayong tuklasin ang saligang katotohanan at mga simulain.
  • gamiting pananaliksik=isang uri ng pananaliksik na kinabibilangan ng paghahangad ng pagkakaroon ng bagong paglalapat ng makaagham na kaalman sa paglutas ng isang suliranin tulad ng paglinang ng bagong sisitema o prosidyur,bagong kagamitan o device, o bagong metodo upang masolusyunan ang suluranin.
  • aksyong pananaliksik=ito ay isang tinatawag na decisiion-oriented na pananaliksik na kinapapalooban ng paglalapat sa mga hakbang ng makaagham na metodo bilang tugon sa isang kagyat na pangangailang upang mapaunlad ang isang umiiral na kasanayan.

1 komento: