Huwebes, Pebrero 19, 2015

Ang Pagsulat

Ayon sa Wikipedia, ang pagsulat ay:

  •  isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.
  • Ito ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian. Sa kapwa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika, ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos (kalendriko) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal na korte.
Mga personalidad na nagbigay ng depinisyon ng pagsulat:


William Strunk, E.B WhiteAng pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.

Helen KellerAng pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan.   

                                                   

KelloggAng pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.


Xing JinIto ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika.

Proseso ng Pagsulat:
  • Prewriting
  • Writing
  • Revising
  • Editing
Ayon kay Bernales, et al. (2001) may tatlong layunin ang pagsulat:
  • Impormatibong pagsulat - Ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay.
  •  Malikhaing pagsulat  - Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
  • Mapanghikayat na pagsulat -  Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.

Hakbang o Proseso ng Pagsulat:

  • PAGHAHANDA SA PAGSULAT. Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.
  • AKTWAL NA PAGSULAT. Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malaya niyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks.
  • PAGREREBISA AT PAG-EEDIT. Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa hakbang na ito ang paksa, magdagdag g mga detalye at muling isaayos ang buong sulatin.

1 komento: