Huwebes, Pebrero 19, 2015

Ang Pananaliksik


  • Ito ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
  • Ito ay  sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK 
  •  Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso. 
  •  Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta. 
  •  Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
  •  Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
  • Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang 
  •  Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
  •  Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.
URI NG PANANALIKSIK O RESIRTS 
  • lantay na pananaliksik=ito ay tinatawag na saligang pananaliksik na naglalayong tuklasin ang saligang katotohanan at mga simulain.
  • gamiting pananaliksik=isang uri ng pananaliksik na kinabibilangan ng paghahangad ng pagkakaroon ng bagong paglalapat ng makaagham na kaalman sa paglutas ng isang suliranin tulad ng paglinang ng bagong sisitema o prosidyur,bagong kagamitan o device, o bagong metodo upang masolusyunan ang suluranin.
  • aksyong pananaliksik=ito ay isang tinatawag na decisiion-oriented na pananaliksik na kinapapalooban ng paglalapat sa mga hakbang ng makaagham na metodo bilang tugon sa isang kagyat na pangangailang upang mapaunlad ang isang umiiral na kasanayan.

Ang Pagsulat

Ayon sa Wikipedia, ang pagsulat ay:

  •  isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.
  • Ito ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian. Sa kapwa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika, ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos (kalendriko) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal na korte.
Mga personalidad na nagbigay ng depinisyon ng pagsulat:


William Strunk, E.B WhiteAng pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.

Helen KellerAng pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan.   

                                                   

KelloggAng pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.


Xing JinIto ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika.

Proseso ng Pagsulat:
  • Prewriting
  • Writing
  • Revising
  • Editing
Ayon kay Bernales, et al. (2001) may tatlong layunin ang pagsulat:
  • Impormatibong pagsulat - Ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay.
  •  Malikhaing pagsulat  - Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
  • Mapanghikayat na pagsulat -  Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.

Hakbang o Proseso ng Pagsulat:

  • PAGHAHANDA SA PAGSULAT. Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.
  • AKTWAL NA PAGSULAT. Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malaya niyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks.
  • PAGREREBISA AT PAG-EEDIT. Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa hakbang na ito ang paksa, magdagdag g mga detalye at muling isaayos ang buong sulatin.

Ang Pagbasa

Ayon sa Wikipedia, ang pagbasa ay :
  • Ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya.
  • Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing, sa agham pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng data mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.
William Grey (1885-1960) ay isang Amerikanong edukador at tagapagtangkilik ng literasiya o kaalaman at kakayahan sa pagbasa at pagsulat. Tinagurian siyang "Ama ng Pagbasa" dahil sa angking kahusayan sa pag-aanalisa ng mga bagay- bagay at dahil na rin sa kahusayan sa gramatika.



Mga Paraan at Uri ng Pagbasa
  • Iskiming - ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang idea ng isang teksto.
  • Iskaning - ito ay palakdaw na pagbasa
  • Previewing - sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at register ng wika ng
    sumulat.
  • Kaswal - ito ay kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang o libangan lang.
  • Mapanuri - ito ay ang pagbabasa nang may wastong pag-intindi sa bawat salita upang malaman ang konotasyon ng binabasa.
  • Informatib - ito ay ginagawa upang madagdagan ang kaalaman.
  • Pagtatala - Ito ang pagbasang may kaakibat na pagtatala o pagha-highlight ng
    mahahalagang impormasyon sa teksto.
  • Komprehensibo - matiim na pagbasa at walang pinalalagpas na mga detalye.
  • Muling pagbasa - isinasagawa ito upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.
  • Reflectiv - pag-iisip o pagtitimbang ng mga binasang teksto.